Friday, July 26, 2013

Ang solusyon sa Traffic. Ipag bawal ang Bus sa Imperyo ng Maynila.!!

Martes, July 23,2013. Papauwi ako ng Cavite galing sa isang seminar sa Manila. Alas kwatro na ng hapon at  nasa U.N avenue ako, habang nakasaksak ang head set ko sa tenga at nakikinig ng paborito kong bandang Zebrahead ay nag aabang ako ng Bus papuntang Dasmarinas para umuwi na ng bahay. hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng isang oras sa kakahintay,wala paring Bus na dumadaan, napansin ko na parang dumarami na ata kaming mga pasaherong nag aabang ng masasakyan, Lumingon ako kaliwa, mga estudyante, Sa kanan mga estudyante ulit at mga empleyado na galing sa trabaho,Lumingon ako sa likod ko isang matandang babaeng baliw na nag sasalita mag isa, at kada minuto napapansin ko na nadadagdagan ng nadadagdagan kaming mga commuters sa Lugar na iyon, doon ko lang naisip na sumakay nalang ako ng Jeep papuntang Baclaran, Nagulat ako ng mapansin ko na lahat ng Jeep na dumaraan ay puno na ng pasahero, at may nakasabit pang mga estudyante ng EAC, lumingon ako sa taas para matanaw ko ang LRT, isang oras na akong naka tayo sa pinag lalagyan ko at doon ko lang napansin na ang pila pala ng LRT ay hanggang baba na pala ng hagdanan,doon na ako napatanong na "Bakit anong meron?" tinanong ko yung tomboy na tindera ng kwek kwek na kinainan ko kanina sa baba LRT station sa U.N na " Ate bakit parang walang Bus na dumaraan dito?" bigla sumagot ng pasigaw ang tomboy na " MAMATAY KANG NAG HIHINTAY DYAN KUYA WALA KANG MAKIKITANG BUS KASI BAWAL NA  !! " sumagot nalang ako na ganun ba? sige po salamat ha, at lumakad ako papalayo sakanya para tumawid,pupunta nalang ako sa Lawton para sumakay nalang ng FX, pero ang tibong tindera ng kwek kwek hindi pa rin pala tapos sa sermon sa sakin, habang papalayo ako ay sumisigaw pa din sya na " KANINA KA PA DITO HINDI MO MAN LANG NAISIP NA WALANG BUS! MAKINIG KA KASI SA BALITA PARA ALAM MO !" Bwiset na tomboy na yan!sinermunan pa ako!! at ayaw pa talaga akong tigilan, Napa isip ako na palagi naman akong nasa harap ng internet bakit hindi ko manlang napansin na wala na palang Bus na dumaraan sa Maynila sa Araw na yun. Bad trip.Ang tanga ko !!

Dahil wala na ang Bus sa Taft Avenue mas lumuwag na ang
kalsada!! Ok to sa mga naka Private vihicle tulad ni Erap!!

Sige ! madaming dahilan kung bakit pinag bawal na ang mga Bus sa Manila, sabi nila para maiwasan daw ang ilegal terminal, mahuli ang kolorum, para mag karoon ng legal na terminal ang mga Provincial Buses, at ang higit sa lahat, para maiwasan daw ang traffic!! Traffic! traffic! traffic, isang problema na habang tumatagal ay lalong  lumalala at isa etong  problema na sobrang aksaya ng oras pag na ipit ka dito, nabalitaan ko nalang na lumuwag na pala ang trapiko sa taft avenue mula nung pinag bawal ang mga malalaki at dambuhalang Bus na dumaraan dito, Sa sobrang traffic sa Maynila ang sulosyon ng kina uukulan, ipag bawal ang mga Bus!! Nice try.! Para lang silang tanga sa ginawa nila.Ngayon subukan nating ilabas ang utak natin sa loob ng kahon. hanapin natin ang pinaka ugat ng problema sa traffic! bakit ba talaga traffic sa Maynila? Kasi madaming sasakyan? kasi walang desiplina ang mga driver? maliit ang kalsada? Bobo ang mga Pulis trapiko, at kung ano ano pang paninisi!! Madaming tinuturong dahilan ang traffic ayon sa mga eksperto ng kalsada sa Pilipnas., Eh matanong ko lang? bakit sa probinsya namin sa Ilo-ilo hindi naman traffic? Bakit nung napunta ako sa Mariduque hindi rin traffic? Nung nag bakasyon ako sa Davao hindi din gaanong traffic, Ganun din sa Mactan, sa tingin nyo ba traffic din kaya sa Tawi-tawi o sa Basilan? Siguro walang malaking  highway sa Babuyan group of Islands? Bakit kasi sa Maynila nag sisiksikan ang mga tao sa Pilipinas, Ang lawak lawak ng bansa bakit nasa Maynila lang ang may malalaking kumpanya para mag trabaho? bakit sa Maynila lang ang may problemang malaki sa traffic? Bakit ganun?
Photo from showbiz government facebook page
Naisip ko lang, Tinanggal nga nila ang mga dambuhalang Bus sa ka-Maynilaan pero hindi naman nabawasan ang mga commuters na nanga-ngaylangan ng serbisyo ng mga bus na eto? Ang epekto neto sa ngayon, mag aagawan ang sangkatuatak na pasahero sa mga natitirang pambullikong sasakyan, Dahil sa hindi balanse ang dami ng pasahero at ang dami ng public transportation sa Maynila darating ang pananhon na kailangan nanaman mag dagdag ng mga public transport, dadami lalo ang mga Jeep, FX, Taxi at SUV sa Maynila , O kaya ang mga dating commuters ay mag bibihihan ng Bulok na kotche o kaya single na Motor kada isa, Dadami nanaman ang sasakyan sa Kamaynilaan,  sisikip ulit ang kalsada, traffic nanaman ulit! Ganun parin. balik ulit tayo sa dati. Buhol buhol na trapiko nananman ulit, Kung eto lang ang solusyon nila sa lumalalang traffic, Para saakin isa nanaman etong Band Aid Solution, Walang kwenta!Kaya wag na wag silang mag mamalaki dahil mga utak Biya silang lahat,
Eh kung mag dagdag nalang kaya ng Tren, o kaya helicopter, Ibalik kaya natin ang habal habal, Wag nalang kaya tayong pumunta sa Maynila para walang traffic,Pag tulakin kaya natin ng kariton si Erap, Naniniwala ako na bawat kilos ng Gobyerno ng Pilipinas ay may kaakibat na politika, Sabi ng MMDA pabor daw ang ordinansang eto sa mga Bus Operators,dahil mas malaki daw ang kikitain nila ngayon. sabi naman ng lungsod ng Maynila Pabor din naman daw to sa mga commuters at sa mga tao dahil luluwag na daw ang trapiko sa ka-Maynilaan, Sabi naman ng abnoy na pangulo ang buhol buhol na trapik daw ay senyales ng magandang ekonomiya. Umaangal naman ang Bus operators at ang ibang Pasahero dahil naka sanayan na daw ang ganito bakit pa babaguhin.
Madaming mga komento ng ating Gobyerno at ng mga Pilipino. Pero tulad nga ng sinabi ko, ilabas natin ang ating pag iisp sa loob kahon at subukan nating mag isip ng radikal. Nag sisiksikan kasi ang mga tao sa NCR, nasa Maynila ang sentro ng Negosyo, Ang malalaking ahensya ng Bulok na Gobyerno, Mga malalaking opisina ng kompnya, ang mga main office, LRT,MRT,mga university,colleges, bahay ng mga artista, at kung ano ano pa, nasa Maynila lahat, Kaya ang mga tao sa Maynila din sila nag sisiksikan,
Eto ang tinatawag naming Imperial Manila (Imperyo ng Maynila)
Kaya trapik sa Maynila dahil nag pupuntahan at nag sisiksikan ang mga probinsyano dito. Bakit kasi nasa Maynila lahat? Bakit hindi pantay pantay? kung May trabaho at ekonomiya sa mga Probinsya sana hindi na kailangang magpuntahan ang marami sa imperyong eto, Kung ako tatanungin ayokong pumunta sa ka-maynilaan  dahil madaming snatcher, masikip,madaming taong nag sisiksikan,  traffic, madaming pulubi, marumi, mausok,at mapangheng MMDA urinal, madaimng ding pokpok sa Maynila pero ok lang yun, Iwas lang sa STD, baka matulad tayo kay Kris panghe Aquino, Kung hindi lang talaga kailangang mag lakad ng mga papeles at mga requirements iiwasan ko ng pumunta dyan, pero walang magagawa eh, eto na ang sistema ng Pilipinas, Imperyong Maynila,
Kaya ako naniniwala ako sa sistemang Federalismo para sa Pilipinas, Eto ang nakikita kong paraan para mag karoon ng sariling diskarte ang bawat estado ng bansa, Mag kakaroon ng kanya kanyang ekonomiya ang bawat estado at malaki ang posibilidad na magkaroon ng mas magandang trabaho sa mga Probinsya,at pag nag karoon ng pag asa ang mga Probisnyano sakanilang lugar hindi na mag pupuntahan sa Maynila, Pero malabong mangyari eto dahil ang mga bobong Pinoy ay sinasamba pa din hanggang ngayon ang Sistemang ginawa ni santanas Cory, Leche!! Mahal na mahal nila ang 1987 constitution kahit sa ebak tayo dinala neto, Mahal na mahal ng mga Pilipino ang tubol na eto,  ibang usapan na federalismo at lalayo ako sa topic na sinulat ko, kaya next time nalang,

6 comments:

  1. Oo nga! tinganggal mo ang mga bus pero sangkatutak pa din ang comuter. balang araw babalik din yan sa dati.

    ReplyDelete
  2. Inalis nga mga bus, wala namang kapalit na solusyon..baka sa sunod ipagbawal na rin ang tao dyan sa mga lugar na yan lol.

    Mahilig siguro sila sa super glue or sa band aid..yan yung 'pwede na yan' mentality na umiiral pa rin talaga. Pero ok lang din at least wala ng trapik, ang problema wala kang masakyan...so paano na? Alay lakad?..takbo bago mag-trabaho? paano kung 20km ang layo ng papasukan mo? pagdating mo sa school or opisina amoy baktol ka na hahaha proud to be...umm teka wag na lang..:D

    Ang sunod na sentence pagkatapos ng 'pwede na yan' ay 'wala tayong magagawa' or 'no choice'....kayo na bahala magdugtong ng susunod...

    ReplyDelete
  3. parehas tayo ng hinaing, ang daming tao sa maynila, bagong graduate lang ako at balak ko mag abroad, ayoko sumiksik dito at pag nakaipon na ako eh tsaka ako mag iinvest sa isang probinsya

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good luck bro. sana makapag abroad ka. kung imumulat mo ang mga mga mata mo pag nasa abroad ka na, madami kang matutunan at madidiskobre. basta buksan mo lang ang isipan mo at maging totoo ka sa nakikita mo. Good luck ulit sayo.

      Delete
  4. ang blogger ba neto sya rin ba yung nasa yuotube?

    ReplyDelete