Maganda siguro ihampas ito sa mga pulpolitikong magnanakaw. |
Bata pa ako ay madalas ko nang
marinig sa tv ang panawagan ng pamahalaan na “maghigpit ng sinturon” o maging
matipid o magtiis muna dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas. Dahil na rin sa
mahal ang bilihin at ng mga serbisyo na kinakailangan ng mga tao ay wala nang
iba pang mapagpilian ang publiko kung di ang maghigpit ng sinturon. Taon-taon
na lang ay pamahal nang pamahal ang presyo ng mga bilihin kaya pahirap nang
pahirap ang pamumuhay ng mga tao, napipilitang magtipid o kaya ay
nasasakripisyo ang isang gastusin para lang may pangtustos sa ibang gastusin
(madalas ay may isang anak na napipilitang huminto sa pag-aaral para matugunan
ang ibang gastusin). At dahil hindi na nagbago ang ganitong pamumuhay sa
lipunan ay masasabi nating mas malala ang buhay ng mga tao ngayon kumpara noon,
at patuloy pang lumalala. Ang hindi namamalayan ng mga tao ay patuloy silang
nag-aadjust o nakikibagay sa lumalalang kahirapan sa bansa, at tinanggap na
nila ito bilang isang normal na bagay at madalas sabihin na “ganyan na talaga
ang buhay at wala na tayong magagawa.” Isipin na lang natin kung gaano na
kahigpit ang sinturon ngayon ng mga tao dahil sa pagmahal ng mga bilihin at
maiisip natin na halos di na makahinga ang publiko sa kahigpitan.
Habang naghihirap ang mga tao,
patuloy naman sa pagyaman ang mga animal na mga buwisit na mga masasamang taong
pulpolitiko at ilang mga kawani ng gobyerno dahil na rin sa mga pagnanakaw na
kanilang ginagawa. Habang sinasabihan nila ang sambayanan na maghigpit ng
sinturon ay patuloy naman sila sa kanilang mga kalayawan at pagpapasarap sa
buhay. Normal na sa mga walang hiya na ito ang manloko sa publiko at sasabihin
na gumanda ang ekonomiya ng bansa pero ang katotohanan ay nakakaranas na ng
matinding paghihirap ang sambayanan. Pero ang katotohanan ay sila-sila lang ang
may magandang pamumuhay at patuloy pang gumaganda dahil sa mga kawalang hiyaan
nila. Panloloko ang pangunahing gawain ng mga animal na ‘to dahil iyon ang
paraan nila para makapangnakaw at yumaman ng mabilisan at walang kahirap-hirap.
Madalas may mga kasabwat silang mga negosyante sa pribadong sektor para
mapagtakpan ang mga pagnanakaw nila at mailihim sa publiko ang kanilang
masasamang gawain. Dinadaya nila ang totoong halaga ng isang proyekto o kaya ay
kunwari magbibigay ng donasyon sa isang pekeng NGO (non-government
organization) at ang perang nalikon ay mapupunta lamang sa mga hayop na mga
pulitiko at bibigyan ng parte ang kasabwat na negosyante. Nangyayari ito habang
patuloy na nagugtom ang maraming Pilipino at nagtitiis sa paghihgpit ng
sinturon.
Maniniwala pa ba kayo sa mga ito kung sasabihin nila na nauunawaan nila ang kalagayan ng maraming Pilipino at nakikiisa sila sa mga pinagdaraanan natin? |
Alam naman natin na ang pera na
kanilang ninanakaw ay galing sa buwis ng taong bayan o kaya ay inuutang
ng gobyerno tapos ay ipapangalan sa sambayanang Pilipino, na lalo pang
nagpalugmok sa mga tao sa kahirapan. Tapos sasabihin pa ng mga makakapal na mga
mukha na ito na may pagmamahal sila sa bayan at sa mga Pilipino, talaga nga
namang mga sinungalin. Ang lalo pang nakakainis ay hindi napapakinabangan ng
sambayanan ang salaping ipinagkatiwala lang sa kanila at ninanakaw lamang nga
mga pesteng ito. Ang kalidad ng pampublikong serbisyo na ibinibigay ng
pamahalaan ay nakakasulasok at hinahayaan lamang nila ang publiko na pagtiisan
ang bulok na serbisyo dahil hindi naman nila gugustuhin na makibagay sa
pamumuhay ng mga pangkaraniwang Pilipino. Mayayaman sila at mas pipiliin nila
ang mga magagarang serbisyo dahil may pera naman sila na kanilang ninakaw.
Madalas kung may isang mataas na opisyal ng pamahalaan na nagkakasakit ay sa
isang pribadong ospital siya maco-confine at hindi sa isang pampublikong
ospital. Ang mga anak ng mga pulpolitiko ay sa mga mamahaling pribadong
paaralan nag-aaral at hindi sa mga pampublikong paaralan. Hindi nakikibagay ang
mga pulpolitiko sa kalidad ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang Pilipino, tapos
ang kakapal ng mukha nilang sabihin na mahal nila ang Pilipinas at mga
Pilipino. Mga manloloko, mga gago talaga! Ang kakapal ng mukha na magsabi sa
sambayan na magtiis at maghigpit ng sinturon pero hindi naman nila iyon
ginagawa. Lagi na lang ipinapasa sa mga tao ang paghihirap para sila ay
magkaroon ng maluluhong buhay.
Kawawang mga taxpayers, nagtitiis sa bulok na serbisyo na ibinibigay ng bulok na gobyerno. |
Dahil dito ang susunod na
henerasyon ng mga Pilipino ang magmamana ng paghihirap ng mga kasalukuyang
mamamayan, at dahil ipinapangalan ng gobyerno sa mga Pilipino ang kanilang
inuutang ay bata pa lang may utang na. Parati na lang ipinapasa sa publiko ang
lahat ng paghihirap samantalang nagpapakasarap sila sa yaman nila na kanilang
ninakaw. Mga walang hiyang mga tao na ‘to, ang ipinapakain nila sa kanilang mga
pamilya ay galing sa nakaw. Ito ang mga klaseng mga tao na wala nang pakiramdam
at mga manhid at walang pakialam sa mga paghihirap na pinagdadaan ng mga tao. Kaya
nga gustong gusto nila na ang kanilang angkan na lang ang nasa poder o posisyon
sa gobyerno dahil gusto pa nilang magpakayaman sa pamamagitan ng pagnanakaw.
Sasabihin pa nila na walang masama daw kung isang angkan ang nasa gobyerno
dahil ang mahalaga daw ay ang hangarin na makapaglingkod sa bayan. Mga ulol,
mga gago, mga buwisit, mga walanghiya, mga magnanakaw at mga masasamang tao
kayo! Mga pasimpleng mamamatay tao sila, pinapatay nila ng paunti-unti ang mga
Pilipino dahil sa kasamaan nila.
Ang mga magnanakaw na mga pulpolitiko ay walang kahit anong awa sa kapwa, kahit sa mga musmos. |
Sana sa susunod na sabihin ng mga
animal na yan na maghigpit ng sinturon, sana sa sarili nila ihigpit para malaman nila ang hirap na pinagdaraan ng mga Pilipino.
No comments:
Post a Comment