Thursday, August 8, 2013

Silang Mga Sinungaling

Silang Mga Sinungaling
 
Sa maraming pagkakataon, parating nagpapahayag ang gobyerno ng mga kasinungalingan para lang maipakita sa mga tao na ginagawa daw nila ang kanilang tungkulin sa bayan. Ginagawa nila ito para mapagtakpan ang kanilang mga kalokohan at kasamaan na kanilang pinaggagawa sa sambayanan. Ayaw kasi nilang masabihan na mga inutil at mga walang silbi, at nagsasayang lang ng pera ng taong bayan. Minsan napapaisip na lang ako kung saan nila kinukuha ang kakapalan ng mukha para lang makapagsinungaling ng harapharapan sa publiko. Sa kabila ng katotohanan na lumalala na ang kalagayan ng mga Pilipino sa Pinas ay nakukuha pang sabihin ng mga maanlolokong tao sa gobyerno na gumaganda daw ang pamumuhay ng mga Pilipino sa bansa. Kung sa bagay, kapag sinabi nila ang katotohanan, ang magiging reaksyon ng publiko sa kanila ay mga wala silang silbi at pawang mga inutil, at sinasayang lang ang pera ng taong bayan sa pagpapasweldo sa kanila. Bukod pa sa pagsisinungaling ay may pagka-arogante ang mga taong gobyerno na tila ay akala mo kung sino kung maka-asta sa mga tao. Marami sa kanila ay mapangmata sa kapwa at saksakan ng yabang, marami sa kanila ay nakakalimot na paswelduhan sila ng taong bayan at dapat ay maging mapagkumbaba sila sa publiko.
Sinungaling!!!!
 
Noong 2011 may isang taong gobyerno na nagsabi na asahan na ng publiko na walang magiging pagtaas ng presyo ng noche buena items hanggang sa katapusan ng taon, pero makalipas lang ang ilang linggo ay sinabi ng taong ding yon na asahan na ang pagtaas ng presyo ng mga noche buena items habang papalapit ang pasko. Siguro dahil na rin sa kahihiyan ay walang naging pahayag ang DTI na tulad nito sa taong 2012 at umasa na lang na hindi mapapansin ng publiko ang kapalpakan na nangyari. Marahil kaya sinabi iyon ng taong gobyerna na yon ay dahil gusto niyang ipakita sa publiko na sila ay may ginagawa at para manatili sa kanila ang tiwala at kumpyansa ng publiko. Sa madaling salita ay nagbibida-bidahan lang ang mga taong gobyerno.
Madalas sabihin ni Pnoy at ng kanyang gobyerno na gumaganda ang takbo ng ekonomiya ng Pinas dahil maganda ang stock market, mataas ang GDP,  tumaas ang remittance mula sa mga OFW, dumami ang mga investment pledges mula sa dayuhang mamumuhunan, at mas maraming Pinoy ang nakikinabang sa CCT, at Philhealth; pero ayaw nilang i-base ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga Pilipino sa  dami ng mga may trabaho kumpara sa mga walang trabaho, sa presyo ng mga pangunahing bilihin at sa kakayahan ng pangkaraniwang tao na makabili nito.
Kung dumadami ang mga Pinoy na nakikinabang dito,
ibig sabihin dumadami din ang mga mahihirap na Pinoy.
 
“Ibinabase ng gobyerno ang kaunlaran ng Pinas sa mga bagay-bagay na gusto nilang makita at hindi sa kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.”
Ang katotohanan ay nagsasalita ang gobyerno sa publiko na malayo sa katotohanan dahil alam nila na malala na ang mga problema sa Pinas. Sa kasamaang palad ay inaabuso ng mga masasamang tao na ito ang kahirapan ng mga Pilipino. Alam ng mga buwisit na mga animal na ito na lalapit sa kanila ang mga mahihirap para humingi ng tulong at sila naman ay tutulungan gamit ang pera ng taong bayan na ipinagkatiwala sa kanila. Dahil dito ay magmumukha silang mga importanteng tao sa mata ng mga Pinoy na nagreresulta sa kanilang matinding kayabangan. Hindi na natutunan ng mga Pinoy na tumayo o umasa sa sariling sikap para na rin sa kanyang ikauunlad at bagkus ay naging palaasa na lang sa mga ganid na ito.
Mababang kapulungan ng mga masasamang tao.
 
Sa maraming pagkakataon ay maraming beses na rin tayong niloko at patuloy pa ring niloloko ng mga tao na ito, ang katunayan ay pabalik-balik na lang sila sa kapangyarihan na isang patunay na wala na talaga silang kahihiyan na natitira sa sarili. Paunti-unti ay pinapatay nila ang mga Pilipino sa kahirapan at tila wala silang paki-alam dahil hindi naman sila ang naghihirap. Ginawa na nilang hanapbuhay ang pagiging pulitiko o kawani ng pamahalaan na may mataas na katungkulan siguro dahil alam nila na doon lang sila kikita ng malaki at alam din nila na wala na silang alam na ibang trabaho na may kapakinabangan. Kaya kung papansinin natin sila ay akala mo kung sino na galanteng tao na kagalang-galang pero ang totoo ay gusto nila ay sila lang ang ginagalang at tingin nila sa sarili ay sila lang ang tama.
Kung mawawala sa kanila ang kanilang kapangyarihan ay malalaman ng publiko na gaano sila ka-inutil at walang pakinabang.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 


5 comments:

  1. mas nakikita ngayon sa panahon ni pnoy ang cold cash ng bayan kung saan ito dinadala at itinutulong.....educasyon at pabahay...hindi kagaya ng mga nakaraang admin ..na maraming itinapon na pera sa politika at kawalangyaan ng sariling pagpapayaman....ibinuhos ang pera sa mindanao para makapanloko ng mga botante....kaya natalo si FPJ duon ....

    ReplyDelete
  2. Anong gusto mo anarkiya? Wala ka nmang hinain na solusyon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siguro isa kang palamunin ng gobyerno kaya ang binanggit mo ay anarkiya, nagsisinungaling na nga sa mga tao ang pamahalaan hindi ka pa ba naiinis? Malinaw na nga na sila-sila na lang ang namumuno sa Pinas nagbubulag-bulagan ka pa? Anarkiya lang ba ang alam mo? Kapag sila-sila lang ang humahawak ng pera ng taong bayan ano pa ba ang maaasahan natin? Ayaw mo ba na ang publiko ang direktang magmanage ng pondo ng taong bayan at hindi yung mga masasamang tao sa gobyerno?

      Delete
  3. Sometimes I wonder..filipinos as an individual in other countries and sometimes in the Philippines can make waves and be a difference maker..but filipinos in groups tend to bring themselves down..marami pa rin kasing sakit sa ating lipunan or sa ating kultura na epidemic na talaga at ang masama pa nun walang gamot.

    Going back to topic, I find it appalling na may ganito talaga lalo na sa gobyerno, the sad thing is, the people wanted this kind of government due to their votes in the past election..kahit sabihing pineke ng pcos yan or hindi, kitang-kita naman ang conditioning sa mga tao. Eventually, people became sheep and they just accepted it as a fact.

    I'm not convinced na maunlad talaga itong bansang ito, granted lumakas daw ang piso noon, pero tingnan mo naman mahal pa rin ang bilihin, lalo lang lumiit yung perang pwedeng makuha base sa currency exchange dahil minsan na akong nagpapalit inabot lang ng 39 pesos ang 1 dollar..nice. Buti sana kung may mga items dito na centavos pa rin ang presyo at di ko kailangang magbigay ng pisong buo..

    Oh well, just another day for the proud pinoy. Nganga all you can~ :D

    ReplyDelete