Thursday, September 12, 2013

Isang Potential Strategy ng Malakanyang

Sunod-sunod na yata ang pagsulpot ng mga litrato ni Napoles kasama ang mga animal na mga pulitiko (recently kasama ni Napoles ang sira ulong si Pnoy).
 
Alam ng mga strategist ng Malakanyang na ang unang magiging reaksyon ng publiko ay:
"Ayan o nakasama ni napoles ang mga animal na yan."

Tapos ang magiging tugon ng mga kumag na pulitiko ay:
"Wala namang masama kung nagpapicture ang isang tao kay (pangalan ng pulitikong gago)."

Tapos sasabihin pa nila na:
"Kayo naman, masyado nyong binibigyan ng malisya ang mga litrato eh kahit sino naman maaaring magpakuha ng picture kasama ang mga pulitiko."
Ang punto ko:
Sinusubukang i-discredit o siraan ng mga taga Malakanyang at ng mga nakikinabang sa pork barrel ang kanilang mga kritiko. Gusto nilang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa dokumentadong ebidensya papunta sa mga litrato na hindi naman magsasabi ng transaksyon sa pagitan ng mga buwisit na pulitiko at ng mga bogus na NGO.

Hinala ko sa mga susunod na araw ay maglalabas ng statement ang Malakanyang at sasabihin na:
“Kung gusto nyong paalisin sa pwesto ang mga involved sa pork barrel scam base sa mga kumakalat na mga photos ay isa itong kahibangan.”
Ngayong nakatutok na ang sambayanan sa scam na ito, asahan na nating gagawa ng kung ano-anong palusot ang mga involved sa scam para iligtas ang kanilang sarili o kaya ay manatili pa sa pwesto para makapagnakaw pa.



No comments:

Post a Comment