![]() Dahil wala na ang Bus sa Taft Avenue mas lumuwag na ang kalsada!! Ok to sa mga naka Private vihicle tulad ni Erap!! |
Sige ! madaming dahilan kung bakit pinag bawal na ang mga Bus sa Manila, sabi nila para maiwasan daw ang ilegal terminal, mahuli ang kolorum, para mag karoon ng legal na terminal ang mga Provincial Buses, at ang higit sa lahat, para maiwasan daw ang traffic!! Traffic! traffic! traffic, isang problema na habang tumatagal ay lalong lumalala at isa etong problema na sobrang aksaya ng oras pag na ipit ka dito, nabalitaan ko nalang na lumuwag na pala ang trapiko sa taft avenue mula nung pinag bawal ang mga malalaki at dambuhalang Bus na dumaraan dito, Sa sobrang traffic sa Maynila ang sulosyon ng kina uukulan, ipag bawal ang mga Bus!! Nice try.! Para lang silang tanga sa ginawa nila.Ngayon subukan nating ilabas ang utak natin sa loob ng kahon. hanapin natin ang pinaka ugat ng problema sa traffic! bakit ba talaga traffic sa Maynila? Kasi madaming sasakyan? kasi walang desiplina ang mga driver? maliit ang kalsada? Bobo ang mga Pulis trapiko, at kung ano ano pang paninisi!! Madaming tinuturong dahilan ang traffic ayon sa mga eksperto ng kalsada sa Pilipnas., Eh matanong ko lang? bakit sa probinsya namin sa Ilo-ilo hindi naman traffic? Bakit nung napunta ako sa Mariduque hindi rin traffic? Nung nag bakasyon ako sa Davao hindi din gaanong traffic, Ganun din sa Mactan, sa tingin nyo ba traffic din kaya sa Tawi-tawi o sa Basilan? Siguro walang malaking highway sa Babuyan group of Islands? Bakit kasi sa Maynila nag sisiksikan ang mga tao sa Pilipinas, Ang lawak lawak ng bansa bakit nasa Maynila lang ang may malalaking kumpanya para mag trabaho? bakit sa Maynila lang ang may problemang malaki sa traffic? Bakit ganun?
Photo from showbiz government facebook page |
Eh kung mag dagdag nalang kaya ng Tren, o kaya helicopter, Ibalik kaya natin ang habal habal, Wag nalang kaya tayong pumunta sa Maynila para walang traffic,Pag tulakin kaya natin ng kariton si Erap, Naniniwala ako na bawat kilos ng Gobyerno ng Pilipinas ay may kaakibat na politika, Sabi ng MMDA pabor daw ang ordinansang eto sa mga Bus Operators,dahil mas malaki daw ang kikitain nila ngayon. sabi naman ng lungsod ng Maynila Pabor din naman daw to sa mga commuters at sa mga tao dahil luluwag na daw ang trapiko sa ka-Maynilaan, Sabi naman ng abnoy na pangulo ang buhol buhol na trapik daw ay senyales ng magandang ekonomiya. Umaangal naman ang Bus operators at ang ibang Pasahero dahil naka sanayan na daw ang ganito bakit pa babaguhin.
Madaming mga komento ng ating Gobyerno at ng mga Pilipino. Pero tulad nga ng sinabi ko, ilabas natin ang ating pag iisp sa loob kahon at subukan nating mag isip ng radikal. Nag sisiksikan kasi ang mga tao sa NCR, nasa Maynila ang sentro ng Negosyo, Ang malalaking ahensya ng Bulok na Gobyerno, Mga malalaking opisina ng kompnya, ang mga main office, LRT,MRT,mga university,colleges, bahay ng mga artista, at kung ano ano pa, nasa Maynila lahat, Kaya ang mga tao sa Maynila din sila nag sisiksikan,
Eto ang tinatawag naming Imperial Manila (Imperyo ng Maynila)
Kaya trapik sa Maynila dahil nag pupuntahan at nag sisiksikan ang mga probinsyano dito. Bakit kasi nasa Maynila lahat? Bakit hindi pantay pantay? kung May trabaho at ekonomiya sa mga Probinsya sana hindi na kailangang magpuntahan ang marami sa imperyong eto, Kung ako tatanungin ayokong pumunta sa ka-maynilaan dahil madaming snatcher, masikip,madaming taong nag sisiksikan, traffic, madaming pulubi, marumi, mausok,at mapangheng MMDA urinal, madaimng ding pokpok sa Maynila pero ok lang yun, Iwas lang sa STD, baka matulad tayo kay Kris panghe Aquino, Kung hindi lang talaga kailangang mag lakad ng mga papeles at mga requirements iiwasan ko ng pumunta dyan, pero walang magagawa eh, eto na ang sistema ng Pilipinas, Imperyong Maynila,
Kaya ako naniniwala ako sa sistemang Federalismo para sa Pilipinas, Eto ang nakikita kong paraan para mag karoon ng sariling diskarte ang bawat estado ng bansa, Mag kakaroon ng kanya kanyang ekonomiya ang bawat estado at malaki ang posibilidad na magkaroon ng mas magandang trabaho sa mga Probinsya,at pag nag karoon ng pag asa ang mga Probisnyano sakanilang lugar hindi na mag pupuntahan sa Maynila, Pero malabong mangyari eto dahil ang mga bobong Pinoy ay sinasamba pa din hanggang ngayon ang Sistemang ginawa ni santanas Cory, Leche!! Mahal na mahal nila ang 1987 constitution kahit sa ebak tayo dinala neto, Mahal na mahal ng mga Pilipino ang tubol na eto, ibang usapan na federalismo at lalayo ako sa topic na sinulat ko, kaya next time nalang,
Oo nga! tinganggal mo ang mga bus pero sangkatutak pa din ang comuter. balang araw babalik din yan sa dati.
ReplyDeleteInalis nga mga bus, wala namang kapalit na solusyon..baka sa sunod ipagbawal na rin ang tao dyan sa mga lugar na yan lol.
ReplyDeleteMahilig siguro sila sa super glue or sa band aid..yan yung 'pwede na yan' mentality na umiiral pa rin talaga. Pero ok lang din at least wala ng trapik, ang problema wala kang masakyan...so paano na? Alay lakad?..takbo bago mag-trabaho? paano kung 20km ang layo ng papasukan mo? pagdating mo sa school or opisina amoy baktol ka na hahaha proud to be...umm teka wag na lang..:D
Ang sunod na sentence pagkatapos ng 'pwede na yan' ay 'wala tayong magagawa' or 'no choice'....kayo na bahala magdugtong ng susunod...
parehas tayo ng hinaing, ang daming tao sa maynila, bagong graduate lang ako at balak ko mag abroad, ayoko sumiksik dito at pag nakaipon na ako eh tsaka ako mag iinvest sa isang probinsya
ReplyDeleteGood luck bro. sana makapag abroad ka. kung imumulat mo ang mga mga mata mo pag nasa abroad ka na, madami kang matutunan at madidiskobre. basta buksan mo lang ang isipan mo at maging totoo ka sa nakikita mo. Good luck ulit sayo.
Deleteang blogger ba neto sya rin ba yung nasa yuotube?
ReplyDeleteYes. :D
Delete