Kapansin-pansin na ang mga Pinoy ay
lagi na lang nagrereklamo sa gobyerno na kulang ang kanilang ginagawa para
mapaganda daw ang pamumuhay ng mga Pinoy. Animo’y halos lahat ng mga
pangunahing pangangailangan ng mga Pinoy ay dapat ibigay ng gobyerno dahil
meron daw silang karapatang kumain, magkaroon ng maayos na tahanan,
makapag-aral, at mabuhay. Kung tutuusin, responsibilidad dapat ng isang tao na
pakainin ang sarili at mga mahal sa buhay, bigyan ng maayos na tahanan ang sarili
at ang kanyang pamilya, pag-aralin ang kanyang mga anak, at magkaroon ng maayos
na pamumuhay. Isang personal na tungkulin at responsibilidad ang bigyan ng
magandang buhay ang sarili at ang kanyang mga mahal sa buhay. Ngunit sa mga
Pinoy, gusto nila na ang buwisit na gobyerno ang magpalamon
sa kanila, magbigay
sa kanila ng bahay, magpa-aral ng
libre, at magbigay ng libreng
condom. Mistulang ayaw ng mga Pinoy ang resposibilidad kahit para na sa
sarili ang gagawin, siguro dahil ayaw nilang sisihin ang kanilang mga sarili
kung sakaling magkamali sila sa kanilang mga nagawa. Kaya nanatili nang bulok
ang pamumuhay ng mga Pinoy dahil ayaw nilang matuto sa mga pagkakamali na
kanilang nagawa, at nakuntento na lang sa kabulukan ng kanilang pamumuhay.
![]() |
Ang mga Iskolar ng Bayan, Sila na nga pinag aaral ng Libre ng taong bayan angal pa ng angal, Nag wa-walk out pa sa klase para mag rally.. Mag aral nalang kayong Mabuti. |
Kaya dahil sa ganitong sistema ng welfare
state ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga pesteng mga pulpolitiko na abusuhin
ang pera ng taong bayan at pinagmumukha nilang naglilingkod daw sila sa bayan
at mistulang nagmumukhang importante sila sa publiko. Kaya kung mapapansin
ay gustong-gusto nilang gumastos para daw sa ikakabuti ng mga Pinoy dahil hindi
naman nila pera ang ginagastos nila. Ngunit ang totoo ay nagiging daan
lamang ito para makapagnakaw sila sa taong bayan para pagyamanin ang
kanilang mga sarili. Talaga namang nakakabuwisit ang mga animal na ‘to.
Maniniwala ba kayo na concern nila ang buhay ng mga Pilipino pero patuloy pa
rin sa paglala ang kahirapan sa Pinas. Gusto
lang nilang bolahin ang mga Pinoy para manatili sila sa kapangyarihan sa
pamamagitan ng pamimigay ng mga libreng bagay na kung tutuusin ay wala namang
naitutulong sa ikakaahon ng mga Pinoy mula sa kahirapan. Bagkus ay
kinukunsinte pa ng mga pulpolitiko ang katamaran at katangahan ng mga Pinoy.
Ang realidad ay wala talagang naitulong ang pamimigay ng mga libreng bagay sa
mga Pinoy para mabawasan ang kahirapan sa Pinas; ngunit patuloy pa rin sila
sa paglustay ng pera ng taong bayan na nagpapalala pa ng kahirapan sa mga
Pilipino dahil lahat ng iginagastos para sa mga welfare projects ay pawang di
sapat sa mga Pinoy na palamunin kaya gusto pa ng mga pulpolitiko na mas mataas
na pondo para sa mga walang silbing proyekto na ito. Hindi aaminin ng mga
animal na mga pesteng mga pulpolitiko na ito na walang naitulong ang pamimigay
ng mga libreng bagay sa mga Pinoy dahil mawawalan sila ng nanakawin at mawawala
ang impluwensiya nila sa mga Pinoy.
![]() |
Kung Makapag Bida ng nagawa akala mo sariling Pera nila yung Ginamit!! |
Tila
nakatigasan na ng mga Pinoy ang ganitong pag-uugali, kahit pagsabihan
sila na kailangan nilang baguhin ang kanilang asal ay tila hindi nila ito
papansinin at bagkus ay magpapakamanhid na lang at ipagpapatuloy ang kabulukan
na meron sila. Ang gagawin pa ng ibang mga Pinoy ay sisihin ang korupsyon sa
gobyerno na sanhi daw ng kahirapan sa Pinas at napaniwala sila sa propaganda ng
mga oportunista na “kung
walang corrupt, walang mahirap.”
![]() |
Mas kailangan namin ay Trabaho para maitaguyod ang aming sarili, Pero pwede na din ang Libreng Tsinelas !! |
Ang
sistema ng welfare state or nanny state (sistemang palamunin) ay isa sa mga
sanhi ng pagkalugmok ng mga Pinoy sa matinding kahirapan dahil hindi natutunan
ng mga tao na magsikap para maka-ahon sa kahirapan at umaasa na lang sa mga
libreng bagay na ibinibigay ng gobyerno. Nagiging pagkakataon din ito sa mga
buwisit na pulpolitiko na makapagnakaw sa pera ng taong bayan at
nagbibida-bidahan sa publiko na animo’y nasa kanila ang solusyon sa problema ng
kahirapan. Dapat nang itigil ng mga Pinoy ang pagiging palaasa sa gobyerno sa
paglutas sa mga problema nila at bagkus ay umpisahan nang bigyang halaga ang
sariling sikap at matutunan nang maging responsable sa pagmanage sa kanilang
mga sarili.
Respico...
https://www.facebook.com/respico.tudutera.9Respico...
http://www.youtube.com/user/respico
No comments:
Post a Comment