Madalas sabihin ng pangkaraniwang
Pinoy na ipinagmamalaki niya ang pagiging Pinoy, ang phrase na “proud to be
Pinoy/Filipino ay karaniwan nang naririnig sa mga kababayan natin sa Pinas at
sa ibayong dagat. Karaniwan ng nakikisawsaw ang mga Pinoy sa kagalingan ng
ibang Pinoy na animo’y may naging kontribusyon sila sa nakamit na achievement o
tagumpay ng ibang tao, at kung makapagyabang ay sobra-sobra. Pinagmumukhang
magaling ang lahing Pinoy kahit sa kabila ng katotohanan na naghihirap ang mga
tao sa Pinas at malala pa rin ang kalagayan ng pamumuhay ng mga Pinoy. Bakit ba
ginagawa ito ng mga Pinoy at ano ba ang narating ng mga Pinoy sa kakaganito
nila?
Marahil
ay gusto ng mga Pinoy na matawag na magaling kahit wala silang ginagawa at
gustong makapagyabang sa ibang tao; ugali na rin siguro ng mga Pinoy ang
pagiging mayabang. Kaya kapag may isang kababayan sila na may nakamit na
tagumpay sa ibang bansa o kapag may isang Pinoy na nanalo sa isang
international competition ay mistulang magaling ang tingin sa sarili at syempre
magyayabang. Siguro may kakaibang pakiramdam sila kapag nakakakita ng isang
kapwa Pinoy na nagtatagumpay na nagtutulak sa kanila para makapagyabang at
magmalaki. Tapos nakikisakay pa ang mga taga-media at lalo pang palalalain ang
kahibangan ng pagyayabang ng mga tao. Naging ilusyon na ang paniniwalang “Proud
to be Pinoy” kaya kahit nabubuhay na sa matinding kahirapan ang mga Pinoy ay
binabalewala na lang ito at itinataon na lang ang atensyon sa pagmamalaki sa
pagiging Pinoy dahil sa kagalingan ng ibang tao.
Umiiwas
na lang ang mga Pinoy sa realidad ng buhay at nilalasing na lang ang kanilang
mga sarili sa ilusyon na magaling sila dahil magaling ang isang kapwa nila
Pinoy.
Hampas Lupa na pamumuhay ng iba nating kababayan , Proud to be Pinoy |
Add caption |
Sa sobrang pagnanasa nila na makapagyabang ay kahit ang mga
bagay na hindi sila ang may gawa ay ipinagmamalaki nila. Halimbawa na lang ang
mga magagandang lugar sa Pinas, wala pa sigurong tao sa Pinas ay nandyan na ang
mga lugar na yan. Pero sa totoo lang, tignan natin kung paano lapastanganin ng
mga Pinoy ang kanilang paligid, walang pakundangan kung magkalat at babuyin ang
kanilang lugar. Kinailangan pa ng mga ordinansa at batas para hindi
makapagkalat ng basura, kung tutuusin kapag may kalinga o pangangalaga ang mga
tao sa paligid ay hindi na ito kailangan at kusa nang magiging malinis sa
paligid.
Mga Taong Puro Rally pero Mga kulang naman sa Talino, at hindi naman talaga alam ang totoong Pinag lalaban. PROUD TO BE PINOY |
Ayaw tignan nga mga Pinoy ang kanilang mga kabulukan at
dedma na lang sila kapag binabatikos ang realidad ng kanilang pamumuhay. Tignan
natin sila kung paano sila pumili ng mga kandidato para sa isang public
position sa local at national government. Talaga namang nakakahiya ang
mentalidad ng mga Pinoy sa pagpili ng iluluklok sa pamahalaan at gusto kong
malaman kung “proud to be Pinoy” pa rin sila sa ganitong bagay. May
mga Pinoy na kumakain ng pagpag at gusto kong malaman kung “proud to be
Pinoy” pa rin sila. Minsan nang napabilang sa
worst airport sa buong mundo ang NAIA Terminal 1, ano, “proud to be Pinoy”
ba sila? Ang Pinas
ay may isa sa pinakamataas na presyo ng kuryente sa mundo, pero hindi na
ito pinapansin ng mga tao bagkus ay proud sila sa ilang pirasong Pinoy na
nagbigay daw ng karangalan sa bayan. Maraming
mga Pinoy ang napipilitang umalis ng Pinas at nakikipagsapalaran sa ibang bansa
para kumita at mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang mga pamilya at
sarili; dahil dito ay napipilitang mapalayo sa kanilang mga mahal sa buhay
ang mga Pinoy na kung minsan ay nauuwi sa pagkawasak
ng pamilya at pangungulila
ng kanilang mga anak, at binabalewala na lang ito ng mga mayayabang na
Pinoy.
Stupid ang tingin saatin ng Time magazine - PROUD TO BE PINOY |
Ano na ba ng narating ng kayabangan ng mga Pinoy at saan na
dinala ng paniniwalang “Proud to be Pinoy” ang mga Pinoy at ang Pinas? Wala!
Nandoon pa rin sa kayabangan at nakikisawsaw pa rin sa kagalingan ng ibang tao.
Kahit ang half Pinoy ay pinapatulan na rin para lang may maipagyabang. Sa
tingin ko kaya nagging successful ang isang half Pinoy ay hindi dahil may
lahing Pinoy siya kundi may lahing banyaga siya.
Kahit ipag sigawan ng mga Pinoy na Proud sila hindi pa din matapos tapos ang Pinaka simple at paulit-ulit problema sa Baha, PROUD TO BE PINOY |
" Maraming mga Pinoy ang napipilitang umalis ng Pinas at nakikipagsapalaran sa ibang bansa para kumita at mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang mga pamilya at sarili; dahil dito ay napipilitang mapalayo sa kanilang mga mahal sa buhay ang mga Pinoy na kung minsan ay nauuwi sa pagkawasak ng pamilya at pangungulila ng kanilang mga anak, at binabalewala na lang ito ng mga mayayabang na Pinoy." - I think this should be slapped to people who say that the RH Law "destroys families."
ReplyDeleteAyaw pansinin ng mga nasa pamahalaan at ng ilang religious organizations ang katotohanan na ito dahil ayaw nilang mawala ang kita nila mula sa mga OFW. Kaya marahil ang RH Law ang gusto nilang sisihin para ilihis ang atensyon ng mga Pinoy.
Delete"Proud to be Pinoy" is a promulgation attempts by the mainstream media to insinuate that their 1986 revolution was a triumphant endeavor. No amount of propaganda can educate the Filipinos truthfully. The truth will eventually win, because it is still the best policy.
ReplyDelete