Thursday, June 20, 2013

Ang Pagkawala ng Critical Thinking ng mga Pilipino.. ( By Respico )

Taon-taon na lang may problema ang mga Pilipino sa pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila at sa mga probinsya sa Pilipinas. Bata pa ako napapanood ko na sa TV ang paghihirap ng mga Pinoy tuwing malakas ang buhos ng ulan na nagdudulot ng pagbaha. Kung anu-ano nang mga pangako ang narinig ko mula sa mga buwisit na pulpolitiko para masolusyunan ang halos walang katapusang pagbaha pero wala naming nangyari, ganon pa rin, nakalubog sa ebak este tubig ang mga Pinoy. Tinanggap na lang ng mga tao ang ganong pamumuhay at madalas sabihin na “ganyan na talaga yan, wala na tayong magagawa.” 

ITS MORE FUNNY IN THE PHILIPPINES !! Kahit palaging lubog sa Baha hindi mo makikitaan ng Galit ang mga Pinoy .. Ganyan sila katanga at masiyahin..

Kaya habang tumatakbo ang panahon, pabulok na ng pabulok ang pamumuhay ng mga Pinoy sa Pinas. Kahit obvious namang palala ng palala ang kahirapan sa Pinas ay ok lang sa mga tao dahil wala naman daw silang magagawa. Dagdagan pa ng panggagago ng mga nasa gobyerno at media na matiisin daw at sanay sa hirap ang mga Pinoy kaya di na na-iisip at tanungin ang mga sarili kung bakit ganito ang buhay ng mga ordinaryong mga Pilipino. Ang lantarang pangga-gago at pambo-bobo sa mga Pinoy ay isa sa mga dahilan kung bakit nabubulok ang buhay ng mga tao at nagdudulot ng kahirapan sa mga Pilipino. Kahit kumakain na ng basura (pagpag) ang mga maralitang Pinoy ay ok lang at “Proud to be Pinoy” pa rin kasi nga sanay daw sa hirap ang mga Pinoy.

Ang intensyunal na pambo-bobo sa mga Pinoy ay isang factor na nagiging dahilan ng paunti-unting pagkawala ng critical thinking sa mga tao, kaya madaling bolahin at utuin ang mga Pinoy ng mga nasa gobyerno at media. And speaking of media, obserbahan ninyo ang klase ng mga palabas na napapanood ng publiko sa mga television channels sa Pinas, mga walang kabuluhan at malayo sa realidad. Mistulang inililigaw ang kamalayan ng mga tao para hindi maisip ang totoong kalagayan ng kani-kanilang pamumuhay at ng bansa.
            Sino-sino ba ang mga gumagawa nito at bakit nila ito ginawa? Ano ang kanilang hangarin para sa mga tao?
            Malinaw na ang mga may ari ng mga media sa Pinas ay may kontribusyon sa ganitong sistema, gusto nilang nakadepende ang mga tao sa kanilang mga walang kwentang palabas para syempre kumita at magkaroon ng kasikatan at marahil kapangyarihan sa mga tao.

Naging Walang Silbing Bise Presidente ako at ngayon ay balik sa News Anchor, Nasa media ako kaya may karapatan akong mag pahayag ng kritisismo. 
Ang mga nasa gobyerno naman ay karamihan mga kasama sa isang political dynasty at sila-sila lang ang mga nasa kapangyarihan. Ayaw nilang mawala sa kanila ang kapangyarihan kaya inililihis nila ang pag-iisip ng mga tao patungo sa mga walang kwentang mga isyu at very irrelevant na bagay o balita sa buhay ng mga tao. Halimbawa na lang ang mga nakakabuwisit na personal na buhay ng mga animal na artista o pulpolitiko. Pinagmumukha nilang importante ang mga walang kabuluhang bagay sa mga Pinoy kaya ang resulta ay nakatutok ang mga tao sa isang balita na wala namang kahalagahan at nalilihis ang atensyon sa mga mas importanteng isyu ng lipunan.

Kung noon ay in English pa ang mga late night news sa mga local tv channels sa Pinas, ngayon tinanga-log na! Mas madaling intindihin eh.
            Ang pagkawala ng critical thinking ng  isang tao ay nagdudulot ng di kanais-nais na resulta, nagiging madaling utuin, dayain, at mapapahamak ang kanyang pamumuhay pati na rin ang kanyang pamilya. Kung magpapatuloy pa ang paglala ng kabobohan sa mga Pinoy ay lalo pang lulubog ang mga tao sa ebak, este tubig at iba pang mga problema ng bayan.  


.
.
.

SULAT NI
   RESPICO


No comments:

Post a Comment